Sunshine Cruz new BF Macky Mathay admits relationship

In a Pep.ph exclusive interview, Sunshine Cruz new BF was finally revealed. Macky Mathay admitted his romantic relationship with actress Sunshine Cruz.

Recently a viral photo of the two crossing a street in BGC was posted by a netizen. The netizen thought that the guy was Cesar Montano.

Sunshine Cruz' new BF Macky Mathay

Rumors came out then that Sunshine (39 y.o) and Mackie (37 y.o) are an item,but both  were mum on the issue. Until, Pep.ph was able to get hold of Mackie’s mobile no. and was able to confirm the real score.

Sunshine Cruz new BF Macky Mathay is Ara Mina’s half brother, who happens to be Sunshine’s best friend. He has been separated from his wife Camille Farinas, daughter of Ilocos Norte Rep. Rudy Farinas.

After all the brouhaha on her split with Cesar, did love shine again on Sunshine with new BF Macky Mathay?

Here is the full scoop from Pep.ph –
Mula nang naging viral ang larawan nilang magka-holding hands, hindi tumigil ang PEP sa paghahanap ng pagkakataong makuha ang panig nina Macky, 37, at Sunshine, 39.

Ngunit naging mailap ang dalawa na bigyan kami ng interview.

HOW IT STARTED. Kahapon, October 28, may nakausap ang PEP na isang source na nagbigay sa amin ng numero ng telepono ni Macky.

Nagpadala kaagad kami ng mensahe sa kanya at sumagot naman ito. Ngunit hindi pa siya makapagsabi kung magpapa-interview siya sa amin.

Humirit kami na baka mapagbigyan niya kami ng ilang katanungan dahil marami ang curious malaman ang totoong estado ng relasyon nila ni Sunshine.

Ngayong araw, October 29, nakatanggap kami ng mensahe na handa nang ilahad ni Macky ang kanyang kuwento, at kung paano nabuo ang isang pagmamahalang aniya’y ‘perfect timing.’

Una naming inusisa kay Macky kung kailan sila nagsimulang mag-date ni Sunshine.

Tugon niya, “Safe to say… nagdi-date? Since September.”

Paano niya nakilala si Sunshine?

Ayon kay Macky, “Well, actually, ‘yan yung sinasabi ko, e.

“I will actually tell you the truth kasi ano, e, hindi naman ako showbiz.

“Hindi naman ako artista, di ba? So, hindi na ako magpaliguy-ligoy.

“Actually, I am… natutuwa ako, I feel happy, I guess right timing kasi lahat, e.

“Kasi, alam mo, if it happened in a different situation or something, siguro hindi kami na-develop, parang ganun.

“Well, actually, it’s as simple as I sent her a direct message on Instagram. Ganun kasimple.

“Totoo yun. I sent her a direct message sa Instagram, saying ‘Hi.’

“And then after, I sent her my ‘Hi’ message, dinugtungan ko kaagad ng second message.

“I told her that ‘I’m the brother of Hazel [Reyes], si Ara.’”

Patuloy niya, “And, you know, yun nga, yun yung sinasabi ko na right timing ‘coz it so happened that she was with Ara.

“Nasa Brunei sila, as in magkasama talaga sila nung natanggap niya yung message.

“So, right there and then, naitanong niya agad kay Ara na, ‘Uy, may kapatid ka bang Macky?’

“Yun. Siyempre wala naman akong…

“Actually, matagal na rin kaming hindi nag-uusap ni Ara before that.

“But, uhm, of course, sinabi niya na, ‘Yes, may kapatid ako, bakit minessage ka niya?’

“Parang ganun. ‘Mahiyain yun a,’ parang ginanun niya.

“Yun yung rason kung bakit kami nagsimulang mag-usap.”

Paliwanag ni Macky tungkol sa larawan ni Sunshine, “We were on our way to watch a movie.

“Hindi namin na-notice na meron palang guy that was taking [a picture]…

“I guess, pag titingnan mo yung picture, talagang mukhang selfie, di ba?

“Siguro nahiyang magpa-picture kasi nasa kalagitnaan nga ng pagtawid.

“At saka meron kaming hinahabol na oras ng movie…

“Siguro nahiya rin yung lalaki kasi, during that time, siguro hitsura namin nagmamadali.”

Simula noon, usap-usapan na ang diumano’y ugnayan ng dalawa.

“I SAID I LOVE YOU FIRST TO SUNSHINE.” Kasunod nito, diretso naming tinanong si Macky kung sila na ba ni Sunshine.

Hindi naman siya nag-atubiling aminin ang totoong estado ng relasyon nila ng aktres.

Pag-amin ni Macky, “Yes.”

Dugtong pa niya, “Yes. Yes. Yes. Gusto mo sa ibang dialect pa? Yes. Oo.”

Dito na ikinuwento ni Macky kung paano niya napasagot si Sunshine.

Sabi niya, “Alam mo, right from the start naman, sinabi ko sa kanya, hindi nga ako showbiz, hindi nga ako artista, though kapatid ko si Ara.

“Pero alam mo, darating din yung time na talagang lalabas at lalabas.

“Sabi ko, I guess, just like how we started, right timing for everything naman talaga, e, di ba?

“And I assured her, ‘Ever since from the start, na pag lumabas, e, hindi kita idi-deny ‘coz you make me so happy. Tsaka mahal kita.’”

Kailan siya sinagot ni Sunshine?

Natatawang sagot ni Macky sa amin, “Ang dami mo na atang tanong, a!”

Pero dugtong din niya, “Actually, it was me who said ‘I love you’ first.

“Sinabi ko sa kanya that ‘I love you.’

 

Sabi ko, ‘Before I finally said I love you, matagal kong pinag-isipan. Kasi since matagal ka nang hindi nagka-relationship, baka hindi ka pa handa.

“’I don’t want to rush you into anything,’ sabi ko. ‘Kasi nararamdaman ko naman para sa ‘yo ay makakapaghintay naman.’

“Sabi ko, ‘I can wait, I can wait.’

“But still, I decided to tell her that I love her, kasi mahal ko na siya, e.

“Ayoko namang maging hipokrito sa sarili ko. Kasi, hindi na kami bata.

“So, I told her that I love her.

“She actually said ‘I love you too’ after a week.”

Sinagot daw ni Sunshine si Macky noong September 18.

VERY COMFORTABLE WITH EACH OTHER. Matapos na naging pormal ang kanilang relasyon, anu-ano na ang mga napag-uusapan nila?

Saad ni Macky, “Sobra na kaming comfortable sa isa’t isa, e, even before the ‘I love you’s.’

“Kaya nga sabi ko sa kanya na, ‘Alam mo, kahit na mga kapamilya namin, mga kamag-anak, mga kaibigan, mga close friends, parang lahat sila nagtataka na parang sobrang bilis.’

“E, sabi ko, ‘Ganun talaga, bakit pipigilan?’

“Tapos, sinasabi ko kay Sunshine, ‘Everything happens so fast between the two of us, but the thing is, I love you. And puwede namang araw-araw kitang ligawan pa rin, e.’

“Para at least, di ba, ang dami-daming tao na… tsaka, yun nga, matanda na kami na ang dami nang pinagdaanan sa buhay, the two of us. [Na baka] Hindi na uli makahanap ng mamahalin.

“So, bakit pipigilan mo pa yung nararamdaman mo?”

Most of Sunshine’s followers were delighted on this new. Including her estranged husband, Cesar Montano.

Mackie was happy knowing this – “Ako rin, happy rin ako na naging ganun yung pananaw niya.” he said.

Related topics for this article: "sunshine cruz boyfriend"

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *